Saturday, October 2, 2010

Mr.29 sa SWIM CLASS 6

Mr.29 sa SWIM CLASS 6

sorry very busy lang talaga ako finals na kase kelangan mag seryoso ako kundi yare ako hehe..

salamat pala :)

kay Marc dahil tinulungan niya ako sa pagsulat ng Mr.29 sa SWIMCLASS 6 :)) salamat lagi mo nalang ako tinutulungan :)) hehe thanks marc!

kay Eban thanks :)
kay Chronodriller email mo po ako para maging friends tayo sa fb :)thanks sa support huh :))
kay kuya dhenxo,mama dalisay..shane josh
kay james wood kuya! msg ulit hehe :) imy
kay half at adik ngarag :) thanks sa support
kay side chit at dongchul :)) thanks po!

kay mr.levi bestfriend ko :) haha eto na yung part 6
kay honey..yiee eto na ulit ako haha mis u po

kay albert :)) landi pavirgin haha? imiss u

eto na po ang mr.29 sa swimclass 6 enjoy










...
until now nalulungkot pa din ako hindi ko naman alam na gagaguhin lang ako ng taong minahal ko ng buong puso, ng taong pinasaya ako at kala ko isang tunay na tao na kailanman hindi ako lolokohin at iiwan
...


kung nasaan ka man sana maging maligaya ka sa piling niya, wag mo sana gawin ang ginawa mo sakin kasi alam ko kung ano ang pakiramdam ng maiwan at masaktan, masakit sobra, parang gusto mo ng mamatay dahil nabigla ka sa mga pangyayare.. sa totoo lang, nung umaga na yon naalala ko pa ang mga ngyare samin nung nauna sayo, iniwan niya din ako ng walang dahilan masakit pero kailangan nating tanggapin..wala na tayong magagawa......


- Dont attach yourself to much to the person you love :)


HAPPY is the person who doesn't show SADNESS over what is LOST but instead show GRATEFULNESS over what is LEFT... - by Boss Levi




_____________________________________________________________________________________________________________




We are just eager to start something we expect to end like a fairytale, but the reality is, it won't end the way we would like it to be...


_____________________________________________________________________________________________________________




Ilang araw din akong nagisip at umiyak....hindi makatulog.. . paulit-ulit pinakikinggan ang kantang lagi niyang kinakanta sakin..
sa mga gabi na lagi kaming magkausap..sa araw na lagi kaming naghaharutan hindi mawawala ang paborito niyang kanta.. . halos dalawang araw na rin akong ganito, nagkukulong sa kwarto ko, nagmumukmok, walang ganang kumaen... sobrang sakit! MY God! why me?! of all people, bakit ako na lang lage? ako na lang ang laging iniiwan, ako na lang ang laging dehado, ano bang nagawa ko at lage na lang ganito?! S**t!

dalawang araw akong hindi pumasok ng school, alam kong mali, pero hindi ko talaga kaya e, hindi ko kayang makita si Marky at sabihin sa kanya ng harapan na ok lang ako at magkunwaring wala akong nalalaman dahil mahahalata naman na hindi, madali niya akong nababasa... siguro nga I'm such a born loser, siguro nung past life ko e masamang tao ako kaya ngayon ko inaani lahat ng karma, at ang masama pa dito sa pag-ibig pa lahat naibuhos.. haist..

kasalukuyan akong nasa malalim na pagiisip ng biglang, tok! tok! tok! Cyrean! si mama kumakatok, dali-dali akong tumayo at nag-ayos ng sarili, habang tinitingnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin, nakadama ako ng awa, naaawa ako sa taong nakikita ko sa harap ng salamin, hindi na siya ang Cyr na kilala ko, na kilala ng nakararami, ang Cyr na napakagiliw at punong puno ng buhay... Iba pala talaga ang nagagawa ng pag-ibig, nakakabaliw, oo masaya pag may minamahal ka at mahal ka rin niya pero sadyang may mga bagay at pangyayari talagang 'inevitable'... haist, ewan, tama na nga muna tong drama ko, haharapin ko muna si mama.

Cyr: Hi ma, anong aten? (sabay halik sa kanang pisngi)
Mama: Anak may problema ka ba? (mababakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala)
Cyr: Ha?! ah, ma wala po, ok na ok po ako, bakit nyo naman po nasabing may problema?
Mama: Eh napansin ko kasi na dalawang araw ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo tapos di ka pa pumapasok.
Cyr: Ma, eh, wala po yun, wag nyo na pong intindihin, medyo masama lang po kasi pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw kaya di ko na pinilit na pumasok, nagpahinga na lang po ako...
Mama: Ah ganun ba anak, ok cge, halika at magpapa check up tayo sa hospital kung ganun, baka mapano ka na nyan?
Cyr: Ma, wag na po, kaya ko pong alagaan ang sarili ko, para saan pa't nag-aral ako ng nursing di ba? ( with matching pilit na smile yan )
Mama: ok cge anak, sabi mo e...ikaw talaga, pinapakaba mo ang mama e, halika nga dito, sabay yakap sakin ng mahigpit ni mama, ang sarap sa pakiramdam, ang init, sa mga sandaling ito, ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ni mama, nakatulong ang mga yakap niya upang kahit papaano e mahimasmasan ang naguguluhan kong pag-iisip, at least alam kong merong tao na walang sawang magmamahal sa akin...
Cyr: Ma, thank you... sabay halik ulet sa kanang pisngi niya...
Mama: O siya sige anak, kung may kailangan ka ha e andito lang ako sa kabilang kwarto o kaya pag nagugutom ka na e bumaba ka na lang at magpahanda ng pagkain kay manang...
Cyr: opo Ma, sabay alis ni mama, pumasok na siya sa kwarto nya, ako naman, naiwang nakatayo sa harap ng pinto, muling nanumbalik ang lungkot sa buo kong pagkatao, nagbabadya nanaman ang mga luha sa mga mata ko...

pumasok ako ng kwarto, maliligo na lang muna siguro ako, baka sa pamamagitan ng malamig na tubig mula sa shower e makalimutan kong lahat ng iniisip ko, kasama ng dumi sa aking katawan, aanurin ng tubig na ito ang lahat ng bumabagabag sa puso't isip ko, na pagkatapos kong maligo e buo na ulet ako, na ako na ulet ang dating Cyr na kilala ko... binuksan ko muna ang radyo bago ako pumasok ng banyo, inilipat ko sa paborito kong station, tamang tama, oras na rin ng paborito kong segment, ito yung oras kung saan ang mga avid callers/listeners e mag uunahan tumawag para magrequest, iinterbyuhin muna sila ng dj off air tapos isasalang sila on air then babati muna sila o kaya naman e magbibigay ng mensahe para sa taong pagaalayan nila ng kanta. nilakasan ko ang volume, sapat na upang marinig ko ito habang ako'y naliligo sa loob ng banyo...

binuksan ko ang shower at itinapat ko muna ang kamay ko sa pumapatak na tubig, malamig, parang di ko ata kakayanin, bahala na, tumayo na lang ako sa ilalim ng shower, pilit na tinitiis ang lamig na dumadaloy sa buo kong katawan, mawawala rin ito, masasanay din ang katawan ko... habang inaantay kong mag adjust sa lamig ang naginginig ko nang katawan, narinig kong binabati na ni Mr. Dj ang kanyang unang caller for the day, "o hello there Mr. 29..." natawa ako ng pagak, lintek nga naman o, sa dinami dami ng code name na gagamitin ng caller na ito e yun pa? tuloy sa pagsasalita si Mr dj "...to all our active listeners, Mr. 29 here is lonely right now, he's missing the one and only person that he truly loves...well, sabi ni Mr. 29, 2 days na daw niyang hindi nakikita itong si love nya and take note, di daw nagpapramdam si love, ni text or tawag wala, ni hindi nga daw niya makita sa school campus e... hmmmm... I wonder what happened?" bigla akong kinabahan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso ko, nawala lahat ng nginig at lamig na nararamdaman ng katawan ko, parang bigla akong naubusan ng lakas...muling nagsalita si Mr. Dj. "to Mr. 29's love one, I hope you're currently listening, before I play his requested song, i'll give him one to two minutes to express his feelings for you... make it short ok, so without further adeu, let's listen to Mr. 29" katahimikan... "ahm, goodafternoon to all listeners..." napahawak ako sa dibdib ko, kilala ko ang boses na yun, kilalang kilala ko... patuloy siyang nagsalita "I know I'm not good at this, in fact, hindi ko alam kung san ako kumuha ng loob para gawin ito, to my one and only love, I hope you're listening, i just want to say that I MISS you and I love you so much that I can't help but to think of you all the time... please, magparamdam ka naman, nababaliw na ko kakaisip sayo... just give me a text, or kahit isang ring lang sa phone ko then mapapanatag na ang loob ko... U don't know...." at biglang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ko ang kantang paulit-ulit at walang sawa kong pinakikinggan, ang kantang nagsilbing saksi ng pangungulila ko sa taong pinakamamahal ko...


I knew it was there
Though I tried to hide it
But the feeling just kept on shining through
Haven't known you that long
So I try to deny it
But the feeling was much too much too strong

Could this be love
Deep down inside
Tearing me apart
I feel it in my heart

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

Why do I feel this way
When I know you have someone
That you're seeing each and every day
Should I play this game
Of just being your friend
When I know that's not where I want it to end

How could this be wrong
When the feeling's so strong
Tearing me apart
I feel it in my heart

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

No I don't want to start no trouble
Between you and I and your lover
But I must tell you what I'm going through
Everytime you walk by I see love in your eye

You're on my mind
Keep thinkin' about your love
I just keep on thinking 'bout you

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

tuluyan na akong nanlumo, biglang bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa aking mga mata... lalong gumulo ang pag-iisip ko, si Marky ang narinig kong nagsalita sa radyo, at ang mensaheng iyon, ramdam kong para sa akin iyon... Mahal ako ng taong mahal na mahal ko... sinuntok ko ang pader, di alintana ang sakit na dulot nito sa aking mga kamao, suntok dito suntok duon, tumigil lamang ako kakasuntok ng makita kong umaagos na ang dugo mula sa aking mga kamay... patuloy akong umiyak ng umiyak... kaya ko pa kaya? Lord give me strength... kasabay ng pagtapos ng kantang nirequest ni Marky, natapos din akong maligo... pinatay ko ang radio, tinungo ang tokador at nagbihis, sinuot ko yung paborito kong pambahay na damit, yung green, bagay na bagay sa kulay ko… nag ayos ng konti, at ayun muka na ulet akong tao… nagutom ako, kakain muna siguro ako, tama na muna ang pag-iisip kay Marky… pagbaba ko, hinanap ko agad si manang, “manang, manang…?” hmmmm… asan kaya siya, tinungo ko ang kusina at hayun si manag niluluto ang paborito kong pagkain, woooow! “ o cyr, ipinagbilin sakin ng mama mo na iluto daw kita ng adobo at para ganahan ka naman daw kumaen, matatapos na ako ditto, maupo ka na jan sa mesa ang ako’y maghahain na…” “pupunta ho muna ako ng sala manang, tawagin nyo na lang po ako pag tapos na yang niluluto nyo ha…” “ ok cge…”… tinungo ko ang sala at sakto naming pag-ring ng telepono… sino naman kayang tatawag ng ganitong dis oras na ng gabi… 9:30 PM… patuloy ang pag-ring ng telepono… nakakatulili ang ingay kaya dinampot ko na ang handset.

Cyr: “hello? Hello? Sino po sila?”

Line: ……………………….

walang sumasagot… baka naman prank caller to…

Cyr: hello? Hello? Sumagot naman po kayo please? Sino pong hinahanap nila? ano pong kailangan nyo?....

Nakakaasar muka yatang wala talgang balak sumagot yung nasa kabilang linya a? badtrip!

Cyr: wala po siguro kayong magawa ano, sa iba na lang kayo…

Line: Cyr…

napatda ako sa aking narinig… bumilis nanaman ang kabog ng dibdib ko, ang lakas… hinding hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko kung sino yung nasa kabilang linya… ang boses na karirinig ko lang kanina sa radio… ang boses walang sawa kong hahanap hanapin… nanghihina nanaman ako…

Cyr: M…a…rk……y?

Line: ako nga Cyr…

Katahimikan… isa, dalawa, tatlong minute ang lumipas, walang nagtangkang basagin ang katahimikang nakakabingi…

Line: I miss you… can…. I…. see… you?

Cyr: ……… nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang handset… di ko makapagsalita syet!

Marky: Cyr may problema ba? Please answer me…

Cyr: Ah… wala Marky… wala, ayos lang ako…

Marky: bat di ka na pumapasok? Bat di ka nagtetext? Bat di ka tumatawag? Bakit di ka nagpaparamdam? May nagawa ba akong mali Cyr? Please answer me, nahihirapan ako ng ganito… you don’t know how muck I suffered, not seeing you for these past 2 days is hell… Cyr, hindi ko kayang hindi ka Makita, makausap o makasama man lang… you’re now my life, so please come back… let’s talk…
Nag-unahan nanaman ang mga luha ko sa pagpatak… naaasar ako sa sarili ko… bakit ko nagawang magduda sa taong mahal na mahal ko… ngayon ko masasabing mhal nga ako ni Marky, ramdam ko ang sincerity at paghihirap sa mga katagang binitawan niya…

Marky: Cyr? Please don’t cry… let’s talk…

Kinalma ko muna ang sarili ko, pinahid ang luha at muling nakipag usap kay Marky…

Cyr: Marky, mahal na mahal kita, mahal na mahal….

Marky: talaga? Yun naman pala e, kung ganun pwede bang lumabas ka ng gate nyo?

Cyr: ha? A… e… bakit? Gabi na Marky….

Marky: please?

Cyr: Ah ok cge, teka lang…

Dala dala ang cordless handset, dagli kong tinungo ang gate… pag bukas ko, nanlaki ang mga mata ko sa nasilayan ko, nabitawan ako yung handset….


itutuloy...


email me imcyrperez@yahoo.com thank you all


:))

No comments:

Post a Comment