Monday, October 11, 2010

Mr.29 sa SWIM CLASS 7



Mr.29 sa SWIM CLASS 7

senxa natagalan eto na po ung part 7 enjoy :))

to all the readers :) thank you..
ilove you all

to My bestfriend Levi..
to Kuya Chronodriller
to Marc hehe :) idol tnx dito sa part 7!

to dahon :)

salamat



...................................................................



Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat, hidi ako makapaniwala na nasasaksihan ko sa mga sandaling ito… Isang anghel na napakaganda ng ngiti ang ngayo’y nakatayo sa harap ko, nakatitig ng mataman sa akin… Si Marky, wala pa rin siyang ipinagbago, napakagwapo pa rin nya, yun nga lang bakas sa mukha niya ang kalungkutan na kanyang dinadala, hindi ko alam kung para saan yon, pero kahit pano, nakukulapulan ito ng isang pagkatamis tamis na ngiti na ang nakapaskil ditto…

nakasuot si Marky ng polo shirt na stripes na magkahalong white and yellow, lalo nitong pinatingkad ang kanyang malaporselanang balat na pagkaputi puti… rugged maong pants na hapit at white sneakers naman sa ibaba… perfect! ang ganda rin ng ayos ng buhok niya, isa ito sa mga bagay na ikinagulat ko, ang kanyang buhok na nasanay akong mahaba, ngayon ay maikli na, pinaputulan nya ito, ang ganda ng pagkakaayos nya ng wax ditto, bahagya itong nakatayo at lalong na-emphasize ang makinis niyang mukha… and matangos niyang ilong, ang makakapal niyang kilay, ang mga labi niyang mamula mula na napakasarap halikan at ang kanyang mga nangungusap na mga mata…

habang patuloy akong nakatitig sa mahal kong ito, may bigla akong naalala… nag-usap kami one time ni Marky sa library ng school, dun kami sa bandang tago at wala masyadong makakakita sa amin, dun sa gitna ng matataas na shelf, kung nasan yung mga librong di na masyadong pinagtutuunan ng pansin ng mga tao, perfect para sa aming dalawa, kahit anong gawin namin e walang makakakita… nakaupo kami sa sahig at magkaharap… tinanong nya ako kung may gusto daw ba akong baguhin sa pisikal na kaanyuan nya?

Cyr: hmmmm… ha? Bakit mo naman naisipang tanungin yan?
Marky: wala lang, nagbabakasakali lang naman ako…
Cyr: ngek, ano naming pumasok sa kukote mo? Ikaw talaga… hmmmm… alam mo ba Marky… para sa akin e you’re close to b…e……ing per…..fect? (nasabi ko yun ng pabulong)
Marky: ano kamo? Sabay ngiti sa akin ng pagkatamis tamis

Waaahhh! Ito talagang lokong to alam na alam ang kahinaan ko pagdating sa kanya! Hmf! Nakakinis… pero kinikilig ako syet! Alam ko namumula na ko sa mga oras na yun at tinatamaan na ako ng sobrang hiya kay marky…

Marky: o bat natahimik ka jan? hahaha
Cyr: wala… di mo ba narini….nig… y..uu..ng sinabi ko? Sabi ko you’re close to being perfect, (ayun nasabi ko din ng diretso at walang sablay)

Bakas ang pagkamangha sa mukha ni Marky, akala niya siguro hindi ko masasabi ulet yon…hehe sabay kiliti nya sa tagiliran ko at yun na, walang sawang kilitian at harutan kaming dalawa, buti na lang walang nakakakita at nakakarinig sa amin… bigla na lang siyang tumigil at nanahimik, napagod siguro, ganun din ang ginawa ko… muling nagsalita si Marky

Marky: alam mo ba Cyr, halos lahat ng mga naging karelasyon ko e pinipilit nila akong pagupitan ko daw itong mahaba kong buhok, di daw bagay sa akin… ano sa tingin mo?
Cyr: ha? A e bagay naman a, yun nga lang mukang mas bagay sayo kung maiksi ang buhok mo, mas aaliwalas ang mukha mo… pero walang kaso sa akin yun Marky, gwapong gwapo ka naman sa hairstyle mo e…

Ngumiti siyang muli…

Marky: ikaw talaga, lagi mo na lang akong pina flatter… pero alam mo ba, karamihan din sa kanila e ginagawang issue ang pagpapagupit ko ng buhok bilang batayan ng pagmamahal ko sa kanila… sabi nila hindi ko daw sila mahal kaya ayaw ko silang sundin sa simpleng hiling nila na yun, isa yan sa mga pinagmumulan ng away namin…
Cyr: …………………………
Marky: minsan nga naisip ko, ganun ba talaga sila kababaw o ganun ko lang talaga kamahal ang buhok ko at hindi ko kayang ipagpalit ito sa taong mahal ko? Sa tingin mo ba selfish ako cyr?
Cyr: hindi Marky, alam mo para sa akin, hindi sa ganyang bagay mo mapapatunayan ang pagmamahal mo sa isang tao, there are a lot of things that can prove your love and it’s up to them kung paano na nila mapepercieve yun…
Marky: alam mo Cyr, pinapabilib mo talaga ko jan sa level of thinking mo, lika nga ditto…

Biglang inilapit sa ni Mark nyang mukha niya sa akin, isang inch lang siguro ang layo namin sa isa’t isa, sobrang lapit ng mukha niya sa akin, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga, nakatitig siya sa mga mata ko, bigla ulit siyang nagsalita.

Marky: alam mo bang napakaserte ko sayo?
Cyr: ha..? a… e… bakit na…man… (syet, kumakabog nanaman ang dibdib ko)
Marky: bakit? Kasi alam kong mahal mo ko…

Biglang inilapit ni Mark yang kanyang mga labi sa akin, hinaikan nya ako… banayad ang halik na ipinadama niya sa akin, walang halong pagnanasa, punong puno ng pagmamahal, tumagal ang halikang yun ng hindi ko alam, basta wala akong naramadaman kunde purong sarap at pagmamahal, wala na akong pakialam sa oras… ngunit siya rin ang kumalas, nabitin ako syet! Tinitigan nya akong muli, grabe na siguro ang pula ko non, alam kong alam nya kung gano ako kasabik sa halik na yun, sa mga tugon ko sa halik nya, alam kong basang basa nya ako… tumawa siya ng mahina habang nakatitig sa akin, napahiya nanaman ako, nakakaasar, ngunit balewala yun, a least nakikita kong Masaya ang taong nasa harap ko ngayon, ang taong nagpadama muli sa akin kung paano magmahal… muli siyang nagsalita…

Marky: let’s go.
Cyr: ha? Saan?

Sabay turo nya sa kanyang relo, alas singko nap ala ng hapon at oras na ng pagsara ng library at kailangan na rin naming umuwi… nalungkot ako, oras nanaman ng paghihiwalay namin ng mahal ko, alam kong mamimiss ko nanaman siya mamaya, mangungulila nanaman ako sa kanya, kung pwede ko nga lang pabalikin o kaya naman pahintuin ang oras e kanina ko pa ginawa, kaso tao lang ako e, di ako diyos, wala akong kapangyarihang gawin yon, anyway, though nabitin ako e at least memorable tong araw na to, ito ata ang unang halik namin ng mahal ko… hinila na akong patayo ni Marky…

Marky: alam ko kung anong nararamdaman mo… hehe
Cyr: ha? Ano nanaman yan?
Marky: bitin ka ano? Hahaha
Cyr: (huli ako syet! Sabi ko na nga ba e, sasabihin nya yan!) ha? A… hindi naman masyado…
Marky: sus, wag ka ng mag deny kitang kita ko naman sa mukha mo pati sa kilos mo o…

Hinila nya akong papalapit nanaman sa kanya sabay halik ulit sa akin, syet ang sarap talagang namnamin ng halik ng taong mahal mo, para akong nasa taas ng Mt. Everest!, pero mabilis lang ito, hindi kagaya ng kanina na matagal, at muli, siya ulit ang kumalas… muli nya akong tinawanan…

Marky: see? Kayang kaya kitang basahin Cyr…hahaha
Cyr: and I hate you for that, masyado ba akong obvious?
Marky: di lang obvious kundi obvious na obvious…hahaha tara na nga at umuwi na tayo at baka mapagsaraduhan pa tayo ditto at di na tayo makalabas…hahaha

Naglakad na kami ni Marky palabas sa aming taguan, nakita ko sa wall clock ng library na 5:15 na ng hapon at nagaayos na ang lahat para magsipag uwi, kaunti na lamang ang mga tao at karamihan sa kanila e nakapila na sa may entrance ng library upang kuhanin ang kanilang mga gamit na iniwan, bawal kasi magpasok ng bag sa loob… at heto ako, nakasunod lang kay Marky habang naglalakad, ang sarap nyang pagmasdan sa likod… nakalabas na kami ng library ng bigla kong naisip ang kalokohan na kanina pa naglalaro sa isip ko, gusto ko siyang biruin…

Cyr: marky…
Marky: yes cyr?
Cyr: pano pala kung i-request ko din sayo na pagupitan mo yang buhok mo bilang patunay na mahal mo nga ako?
Marky: ha? Gusto mo bang gawin ko yon?
Cyr: ah hindi, joke lang yun…hahaha kaw talaga di ka na mabiro…hehe
Marky: loko! Taran na nga at ihahatid ko pa ang mahal kong prinsesa…hahaha
Cyr: prinsesa ka jan… hmf…

Nagkulitan na lang ulit kami ni Marky, at ayun hinatid nya nga ako sa harap ng gate namin, nagpaalam siya, pinagmasdan ko siya habang papalayo siya nag flying kiss ako sa kanya, ganun din siya sa akin, at ayun na nawala na ang prinsipe sa paningin ko, ako naman e pumasok na ng gate at tumuloy na ng kwarto ko upang magpahinga….

CYR!

Bungad sa akin ni Marky upang iahon ako mula sa aking paggbabalik tanaw at pagkabigla… nakatingin pa rin ako sa kanya, hindi talaga ako makapaniwala na pinagupitan nya ang buhok nya na nuon pa man ay labag na sa kalooban nya… bigla nanamang nawindang ang utak ko, dalawang katungan ang muling gumulo sa magulo ko ng pag iisip… bakit siya nagpagupit ng buhok nya? Bakit nandito siya ngayon sa harap ko?

Humakbang palapit sa akin si Marky, mula sa kanyang kanang kamay na kanina pa niya itinatago sa likod nya, inilibas niya ang isang pumpon ng white roses, hindi pa rin ako makakilos, makapagsalita, para na talaga akong bato sa sobrang tigas, napako na ako sa kinatatayuan ko, palapit ng palit si Marky, isang dipa na lang ang lapit niya sa akin ng bigla siyang humito…

Marky: I missed you…

Ngumiti nanaman siya ng pagkatamis tamis, ngayon, nagsimula ng manginig ang mga tuhod ko at to nanaman, bigla na lang pumatak ang mga luha sa mga mata ko, tinawid ko ang isang dipang layo ko sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit, napipi na ang dala dala niyang mga rosassa higpit ng pagkakayakap ko, patuloy akong umiyak, wala na akong pakialam kung may makakita pa sa amin, gabi naman e, at isa pa hinding hindi ko mapapalagpas ang tagpong ito, sobrang na-miss ko si Marky and God knows, how much I longed for him…

Marky: why are you crying? Aren’t you happy that I’m here in front of you? Hmmm
Cyr: (tuloy pa rin ako sa pag-iyak, para akong batang humahagulgol na ng mga panahong iyon)
Marky: please stop, I don’t want to see you crying Cyr, it pains me to see you like that so tahan na ok? And besides nadudurog na yung roses o, tingnan mo, sayang naman yan kung hindi man lang maaamoy o mahahawakan ng MAHAL ko…

Natauhan ako bigla… pinakalma ko muna ang sarili ko habang nakayakap kay Marky bago ako kumalas upang kunin ang pumpon ng bulaklak na bigay nya para sa akin… nakangiti nanaman siya, isang ngiting nagbigay sa akin ng pag-asa, mula sa bulsa ng suot nyang pantalon, kinuha nya ang kanyang panyo at ipinahid sa mamasa masa ko pang mukha, naamoy ko ang halimuyak nito, ang bango. Tumigil na ako sa pag-iyak, bigla kong niyakap si Marky, at buong tapang ko siyang hinalikan muli, dali dali siyang tumugon, pinagsaluhan naming ang isang halik na punong puno ng pananabik, ng pangungulila, at ng pagmamahal naming sa isa’t isa, matamis, masuyo, at banayad… di alintana kung may makakita man sa amin, ninamnam namin ang sandaling ito, sa ngayon, sa amin muna ang mundo, sa amin ang gabi at hawak namin ang oras. Tila naman kami nasa entablado na nasisinagan ng maliwanag na sinag ng buwan kasama na ng mga kislap ng bituin sa langit… natigil lamang kami ng bigla naming marinig ang pagtawag sa akin ni manang, luto na daw ang pagkain at nakahain na ito sa mesa… nabitin nanaman ako, nakakinis naman si manang e, wrong timing ang pang iistorbo…

Marky: hmmm… so, are you feeling ok na mahal ko?
Cyr: ahmmm… yah… na-miss po kita ng todo…
Marky: same here, I missed my boyfriend, I missed everything about you… what happened to you?
Cyr: ah, mamaya na lang natin pag usapan pwede? Tara na muna sa loob samahan mo akong kumaen, gutom na kasi ako e…
Marky: sure! Good timing, kanina pa rin kasi ako nagugutom…hahaha

Natutuwa ako, muli ko nanamang nasilayan ang saya sa mukha ng mahal ko, this time di mababakas ang lunkot sa kanyang mga mata, punong puno ito ng kasiyahan… pinulot ko ang cordless phone na nalaglag ko kanina, buti na lang di ito nawasak sa pagkakabagsak nito, hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang mga rosas na bigay ni Marky, sabay na kaming pumasok ng bahay, isinara na niya ang gate, pinaupo ko muna siya sa sala at umakyat ako sandali upang ilagay sa kwarto ang mga bulaklak na bigay niya… dali dali rin naman akong bumaba pagkatapos.. naabutan ko na lang si Marky na kausap si manang sa sala.

Manang: anong pangalan mo iho?
Marky: Marky po, kaibigan po ako ni Cyr..
Manang: ah, at pano ka nga pala nakapasok ng bahay e wala naming ibang tao ditto maliban sa amin ni cyr at mama niya?
Marky: si Cyr po ang nagpapasok sa akin manang, ako po yung tumawag kanina sa phone para pagbuksan nya ako ng pinto… (sabay ngiti nanaman niya-haist ang sarap nyang pagmasdan ditto sa malayo)
Manang: ganun ba? Nasaan na nga ba ang batang iyon?
Marky: ah umakyat po muna sandali…
Manang: ganun ba? O siya sige maiwan na muna kita jan iho at dadagdagan ko ang inihain kong pagkain, sabayan mong kumain si Cyr ha, ilang araw na rin yang walang gang kumain e…
Marky: ah, sige po manang, salamat po…
Bumalik na si manang sa kusina, siya naming lapit ko kay Marky, tumabi muna ako sa kanya sa sofa, inihilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat… inakbayan naman ako ni Marky at sabay kaming sumandal sa sofa, tahimik lamang kami sa ganoong posisyon ng bigla siyang magsalita.

Marky: why are you hurting yourself?
Cyr: ha? What do you mean?
Marky: eto o…

Bigla niyang itinaas ang kamay kong sugat sugat, naalala ko, hindi ko nga pala binendahan man lang o kaya naman ginamot ang mga sugat kong ito, alam ko kasing kusa rin itong maghihilom, at base na rin sa natutunan ko sa pag-aaral ko ng nursing, hayaan lang ang sugat na exposed to air, mas madali itong gagaling at maghihilom sa ganoong paraan… ngayon ko rin naramdaman ang hapdi na dulot ng mga sugat na ito, di na nga sila dumudugo gaya kanina pero masakit naman… haist, hayaan mo na, andito naman ang prince charming ko para pawiin ang sakit e… yun nga lang di ko masabi sa kanya na dahil sa natuklasan ko tungkol sa kanya kaya ako nagkakaganito, natatakot akong iwan nya ako, na sabihin niya sa aking sasama na siya doon sa babaeng nabuntis nya at wala na kaming pag-asa pa… masyado na akong nagiging pessimistic. Haist. nag-isip ako ng maidadahilan kay Marky..

Cyr: ah, e, wala iyan, naipit sa pinto kanina nung bigla kong isara (sabay bawi ng kamay ko)
Marky: ah ganun ba? Sa susunod kasi mag-ingat ka e, tingnan mong nangyari sayo…
Cyr: opo boss, din a po mauulit…
Marky: aba dapat lang, ayokong nasasaktan ang mahal ko sa kahit na anong paraan… (isang smack nanaman ang ginawad niya sa akin, hinila na rin niya akong patayo.)

Ang sarap pakinggan ng mga katagang pinakawalan ni Marky, hindi nya lang alam kung gaano ako nasasaktan ngayon at siya pa ang may kagagawan nito. Sana lang mapanindigan niya yung sinabi niya na ayaw niyang nasasaktan ang mahal niya, sana umayos na ang lahat sa amin, haist. ewan ko ba, bahala na si batman, alam kong may dahilan si Marky kung bakit niya nagawa iyon, kailangan ko lang maging open-minded, maging optimistic at maghintay, maghintay kung kailan niya bibigyang linaw ang bagay na iyon sa akin, pero sa ngayon, sa mga sandaling ito, kakalimutan ko muna lahat, ginto ang sandaling ito, kailangan kong i-enjoy, marami pa kaming pag-uusapan at may bagay pa siyang kailangang ipaliwanag sa akin.

Cyr: saan tayo?
Marky: saan pa ba? e di sa dining room, di ba nagugutom na tayo? Isa pa, ilang araw ka na daw walang ganang kumaen sabi ni manang a? may sakit ka ba?
Cyr: oo nga pala, tara na nga gutom na talaga ako e, wala akong sakit, I’m on a diet lang (palusot ko nanaman)
Marky: diet ka jan, walang diet diet! Kakain tayo ng marami ngayon ok?
Cyr: yes boss!

Sabay naming tinungo ang dining room, ang bango ng adobong luto ni manang, na-excite tuloy akong kumain, lalo na kasama ko ang prince charming ko… magkatabi kaming naupo sa harap ng mesa, nagsimula na kaming kumain ni Marky, naisipan naming isang plato na lang ang gamitin sa pagkain, sa totoo lang ako ang nakaisip nun, sinangayunan niya na lang ako, isang baso lang din ang gamit namin sa pag-inom ng tubig, ganado ako, ganun rin siya, sinusubuan niya ako, sinusubuan ko rin siya, ang sarap sa pakiramdam ng ganito, sana wag ng matapos ang sandaling ito. Naubos namin ang pagkaing niluto ni manang. Ang sarap talaga, pareho kaming busog.

Hinila kong patayo si marky at inaya ko siyang maglakad lakad muna sa labas para magpababa ng kinain, pumayag naman siya agad, nagpaalam muna kami kay manang na magpapahangin lang saglit sa labas, sinabihan ko na rin si manang na matulog na rin pagkatapos magligpit sa kusina at dadalhin ko na lamang ang susi ng gate para di na niya kami antayin at pagbuksan pa ng pinto.

Lumabas muna kami ni Marky, syempre holding hands kami while walking, ang sarap talaga sa pakiramdam, sana lagi na lang ganito, ganito lang kami, palakad lakad lang, walang imikan, ako ang nauuna, nakarating rin kami sa park, mejo malamig na rin ang simoy ng hangin, gabi na rin kasi, wala kang makikitang ibang tao sa park maliban sa aming dalawa, hinila ko si marky patungo dun sa paborito kong tambayan, mejo maliwanag doon ngayong gabi, dala na rin siguro ng sinag ng buwan, samahan mo pa ng mga lamp post sa paligid, wala ka ring maririnig na ibang ingay kundi ang huni ng mga kuliglig at lagaslas ng mga dahon mula sa mga punong nakapaligid sa park. Naupo kami ni Marky, nakaakbay siya sakin, ako naman, nakasandal sa balikat niya, parang kanina lang din sa sofa sa bahay… mga limang minuto rin kaming walang imikan ng bigla siyang magsalita…
Marky: sana lagi na lang tayong ganito, walang iniisip, magkasama, Masaya at walang problema.
Cyr: sana nga Marky, sana nga…
Marky: Mahal kita Cyr alam mo yon, sana ganun ka rin sa akin.
Cyr: Oo naman Marky, you just don’t know how much I love, words are not enough to express my feelings…

Eto nanaman ako, mangiyak ngiyak nanaman, naisip ko bigla yung sinabi sa akin ni Marky, na wala daw kaming problema, wala ba talaga? Gusto ko na sa kanyang itanong yung tungkol dun sa nabuntis nya e, kaso wala talaga akong lakas ng loob, siguro nga wala kaming problema, baka may dahilan talaga siya, sana sabihin niya sakin, bigyan niya ng liwanag ang nagugulumihanan kong pag-iispi, feeling ko ako lang ang gumagawa ng problema, pero para saan naman kaya yung lungkot na nababasa ko sa mga mata niya kanina? Haist, ang hirap magi sip… God help me… kumalas ako sa pagkakasandal sa kanya at matamang tinitigan ko ang maamo nyang mukha…

Marky: anong iniisip mo Cyr?
Cyr: ah e wala naman, gusto ko lang itanong sayo kung bakit ka pala nagpagupit ng buhok, di ba ayaw na ayaw mong pagupitan yan?
Marky: ano sa tingin mo? (nakangiti nanaman siya, nakakalusaw na ngayon ang titig nya)
Cyr: hindi ko nga alam e, kaya kita tinatanong…
Marky: kasi nga mahal kita, at sa lahat ng mga dumaan sa buhay ko, sayo ko lang naramdaman ang pagmamahal na matagal ko ng hinahanap…
Cyr: ………..
Marky: natatandaan mo ba nung biruin mo ako sa library Cyr? Sabi mo irerequest mo rin na pagupitan ko ang buhok ko bilang patunay na mahal kita dib a?
Cyr: ah… o..o pero…
Marky: wala ng pero pero Cyr, at least ngayon siguro naman masasabi mo na talagang mahal kita at hinding hindi kita lolokohin… Alam mo bang sa dalawang araw na wala ka, na hindi kita nakikita e mabaliw baliw ako kakisip sayo? Iniisip ko na hindi ako mahalaga sayo, na siguro napagtanto mo na di mo talaga ako mahal kaya ayun, umiwas ka sakin, hindi ka man lang nagparamdam, ni ho ni ha wala, kahit isang text man lang o tawag wala, hindi ko alam ang gagawin ko, buti na lang at binigyan ako ng payo ng kaibigan kong si Jonas kung paano kita susuyuin… sana narinig mo yung request ko kanina sa paborito mong radio station, alam mo bang hiya hiya ako nun?
Cyr: opo, narinig ko lahat, lahat ng sinabi mo pati yung buong kanta pinakinggan ko, hindi ko nga akalaing magagawa mo yun e, you’re so brave, and Marky, you never fail to surprise me, for this whole day, everything about you is a surprise, you’ve done enough, alam ko naman po na mahal mo ako e, and sana tandaan mo po na kahit anong mangyari ikaw ang mundo ko, sayo na umiikot ang buhay ko kasama ng ibang mga taong mahalaga sa buhay ko…
Marky: talaga? E anong nangyari sayo this past few days? Bakit ka nawala bigla?
Cyr: wala po…
Marky: hmmmm… you’re hiding something Cyr, spill it out, kaya nga ako nandito e para makapag usap tayo…

Hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob, pero bigla ko na lang nasabi kay Mark yang dinadala kong problema, tinanaong ko siya kung totoo bang girlfriend niya si Leah, kung totoo bang siya ang nakabuntis dito? Tahimik lang si Marky, di kaagad siya sumagot, bahala na si batman, sana lang maging totoo siya sa akin at sana maganda ang marinig kong sagot niya, sana hindi siya ang ama, sana kami pa rin ang magkatuluyan, sana ako pa rin ang piliin niya, sana, sana, sana, puro na lang sana, wahhhh, kinakabahan ako, Lord please give me strength… naiiyak nanaman ako… biglang nagsalita si Marky…

Marky: yun ba ang pinoproblema mo Cyr?
Cyr: oo marky, hindi mo lang alam kung gano kasakit sakin yun, na malaman ko na maliban sa akin e may mahal ka pa palang iba, tapos nabuntis mo, tapos.. (di ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Mark yang bibig ko)
Marky: shhhhh! Cyr, let me explain ok?

Tumayo ako bigla, hindi ko kayang marinig ang mga revelations na sasabihin ni Makry, aalis na lang ako,alam ko naman na ako ang talo e, alam ko na ang sasabihin nya, di ko na dapat pang marinig, natatakot ako… pero bigla akong hinila ni Marky, pinaupo nya ulet ako sa tabi nya, kita ko ang hinanakit sa mga mata niya, ang pagsusumamo na pakinggan ko ang sasabihin nya, wala na akong magagawa, eto na to, I need to face reality, haist.

Marky: will you please listen tome Cyr! Please don’t jump into conclusions, you don’t know anything that’s why I’m here to explain, sabi ko na nga ba e, tama ang hinala ko, hanggang nagyon issue pa rin yan sa atin, bakit ba kasi ayaw mo akong pakinggan?
Cyr: natatakot akong masaktan ng lubos Marky! Ayokong iwan mo ako! Mahal na mahal kita! Wala akong laban kay Lhea, babae siya… (sabay iyak nanaman… haist)
Marky: making ka muna sakin please?
Cyr: (iyak pa rin ako ng iyak) ccccccggggeee… makikikinig aaakkkooo…
Marky: please stop crying Cyr, for Gods sake, si Lhea ay pinsan kong buo ok! Hindi ako ang nakabuntis sa kanya kundi yung boyfriend niyang hayop na walang balak na panagutan siya! sino bang nagbigay sayo ng maling impormasyon na yan ha? Si Ralph? Wala din siyang alam Cyr, walang nakakaalam na magpinsan kami ni Lhea, sinadya naming isipin ng mga tao na ako ang ama ng dinadala niya para hindi masira ang pangalan nya, para hindi kami makarinig ng hindi magagandang tsismis mula sa iba, na hindi siya pinanagutan ng ama ng bata, na ang anak niya ay walang magiging ama, pakiusap na rin sa akin ito ng parents niya, at hindi ko rin ito kayang tanggihan dahil mahal ko ang pinsan ko, nangako ako sa kanila na walang sinumang makakaalam ng totoo maliban sa pamilya naming… I’m sorry kung hindi ko sayo sinabi agad, pero sana naliwanagan ka sa mga sinabi ko sayo Cyr…

Parang bombang sumabog ang lahat ng sinabi sakin ni Marky, tumigil ako sa pag-iyak, isa nanaman itong surprise mula sa kanya, nakakahiya ang mga pinaggagagawa ko, masado kasi akong assuming e, bakit ba hindi kasi ako nagtanong, guilty ako ngayon, ang laki ng kasalanan ko sa mahal ko, ang anga ko kasi e, bakit ba hindi ko siya pinakinggan nuon pa? haist ewan ko ba? siguro nga nasakin ang problema, immature nga siguro akong mag-isip, sana mas nagging open-minded ako, di sana kami nagkaganito… humingi ako ng sorry kay Marky, yun lang ang nasabi ko at niyaka ko siya ng mahigpit, paulit ulit kong sinabi sa kaya ang katagang yun…

Marky: o ano? Ok ka na ba? siguro naman naliwanagan ka na Cyr? Siguro naman hindi mo na ako tatakasan muli at pagaalalahanin ng sobra?

Tango na lang ang naisagot ko kay Marky, ginawaran ko siya ng halik, halik na tumagal nanaman ng hindi ko alam kung hanggang kailan, ang sarap talaga, ngayon ok na ako, at dahil sa kasalanan na nagawa ko, babawi ako kay Marky, mahal na mahal ko ata tong taong to at dahil nasaktan ko siya sa mga kagagahang pinaggagagawa ko, babawi talaga ako ng bigtime, ang sarap talagang kahalikan ng gwapong to, sana wala ng bukas… walang tigil kami sa halikan na yun, grabe ang sarap talaga, pero siyempre si Marky nanaman ang kumalas, nabitin nanaman ako nakakinis, pero hindi ako aangal may kasalanan ako e… tinitiga nanaman niya ako… ngayon, naka ngiti nanaman siya, nalulusaw nanaman ako, ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko…

Marky: tara na uwin na tayo Cyr, alam ko naman nabitin ka e, kaso anong oras na o? (sabay turo nanamn sa relo niya)
Cyr: ok po, uwi na tayo… (déjà vu, hinila ko na si Marky, binilisan na rin namain ang lakad, nilalamig na rin kasi ako e, 11 na ng gabi)
Marky: O pano yan uuwi na ako Cyr? ( nasa tapat na kami ng gate nun ng sabihin sakin yun ni marky, niyakap ko si Marky)
Cyr: wag ka ng umuwi please? Ditto ka na lang matulog sa bahay pwede? Gusto kitang makasama ngayong buong magdamag…

Kitang kita ko ang maluwag na ngiti sa mga labi ni Marky, halatang ineexpect na nya na gagawin ko yun e, di man lang tumutol ang loko, at nauna pa siyang pumasok ng gate, ako naman kinikilig ng todo, imagine, ngayong gabi masosolo ko ang prinsipe ko, katabi ko sa pagtulog, kayakap, kahalikan nanaman at hmmmmm… exited na ko…hahaha pagka lock ko ng gate at ng pinto, hinilia ko na si Marky papunta sa kwarto ko, pinaupo ko muna siya sa kama, kumuha ako ng boxers at sando na magagamit nya, syempre pinili ko yung fit sa kanya at makikita ang kaseksihan niya, anu ba to, inaatake naman ako ng makamundong pagnanasa sa mahal ko, kanina lang iyak ako ng iyak e, bipolar na ata ako…wahhhhh

Pinaligo ko muna si Marky, syempre kailangan fresh bago matulog, habang siya ay naliligo, kumuha naman ako ng flower vase at inayos ko ang isang dosenang rosas na bnigay niya, nilagyan ko ito ng kaunting tubig para hindi malanta, ipinatong ko sa may desk malapit sa bintana, para kitang kita ito at para pag umaga na e mejo naarawan din naman, inayos ko na din ang kama ko, though maayos na siya kanina pa e mas inayos ko pa para mahigaan ng prinsipe… after 10 minutes, tapos ng magshower si Marrky, natulala naman ako pagkalabas na pagkalabas niya ng banyo, hapit na hapit sa kanya ang sanding binigay ko, tapos ang iksi pa nung boxers kitang kita ang mapuputi niyang legs… syet, ano ba tong iniisip ko, masyado akong green… wahhhhhh

Marky: huy! Anong tinitingin tingin mo jan ha? Ikaw ha pinagnanasaan mo ako no? (sbay tawa niya ng pang-asar)
Cyr: hindi po no! bakit? Masama bang tingnana ang boyfriend ko? Hmf! (halata nanaman ang pamumula ko, nakakainis)
Marky: hindi naman po, sige lang pagsawaan mo akong tingnan…

palapit ng palapit sa akin si Marky, tinutukso ako ng loko, waaahhh, baka hindi ako makapagpigil, makaligo na nga, tumakbo ako papuntang bayo at dali daling isinara ang pinto, narinig ko ang Masaya niyang pagtawa, nakakataba ng puso… hindi ko inakala na all through out e ako pala ang mali, na baluktot pala talaga ako mag-isip, buti na lang at mahal talaga ako ni Marky at di niya ko natiis, God thank you po talaga at binigay niyo sa sa akin, hayaan nyo po di ko na uulitin yung kasalanan ko sa kanya, mag iisip na po ako ngayon ng tuwid… naligo na ako ng tuluyan, narinig kong binuksan ni Mark yang radio, at hayun nanaman, saktong sakto…
I knew it was there
Though I tried to hide it
But the feeling just kept on shining through
Haven't known you that long
So I try to deny it
But the feeling was much too much too strong

Could this be love
Deep down inside
Tearing me apart
I feel it in my heart

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

Why do I feel this way
When I know you have someone
That you're seeing each and every day
Should I play this game
Of just being your friend
When I know that's not where I want it to end

How could this be wrong
When the feeling's so strong
Tearing me apart
I feel it in my heart

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

No I don't want to start no trouble
Between you and I and your lover
But I must tell you what I'm going through
Everytime you walk by I see love in your eye

You're on my mind
Keep thinkin' about your love
I just keep on thinking 'bout you

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

Mahina lang ang tunog ng radyo, tamang tama ang volume lalo na sa mga gustong magsenti, paglabas ko ng banyo, nakahiga na si Marky sa kama, parang tulog na ata siya, ang sarap pagmasdan ng mala anghel niyang mukha, hindi talaga ako makapniwala, ang prinsipe ko, nakahiga ngayon sa kama ko at payapang natutulog, tinitigan ko siya at ginawaran ng isang masuyong halik, mabilis lang, wala siyang reaksyon, tulog na nga ata siya, pinatay ko na ang radyo, nagaayos na rin ako at tumabi sa aking prinsipe, tumagilid na lang ako paharap sa pader baka kasi magising pa siya pag ginalaw ko, ang sarap na ng tulog niya… hindi ako makatulog, hindi rin ako mapakali, pinapakiramdaman ko ang bawat kilos ng mahal ko, dinig ko ang tunog ng bawat paghinga niya, nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap, idinantay na rin niya sa akin ang kanyang binti. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko, damang dama ko ang hininga niya, ang bango. Binulungan ako ni Marky.

Marky: at bakit nakatagilid sa akin ang boyfriend ko? wala ka bang balak na yakapin man lang ako maliban dun sa mabilisang kiss na binigay mo sa akin kanina? Sige ka magtatampo na talaga ako sayo nyan… tsk tsk tsk

Nahiya nanaman ako, naku naman, hindi ko na alam ang gagawin ko, humarap na lang ako ka Marky, at ayun na, sinalubong ko nanaman ang mga labi niya at hinalikan muli, niyakap ko na rin si Marky, nag-iinit na ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon, sa mga sandaling iyon, handa ko na sa kanya ibigay lahat, kanina ko pa pinag isipan yon habang naliligo ko, siguro naman sapat na iyon para mapatunayan ko sa kanyang mahal ko talaga siya at para makabawi na rin ako sa mga pagkukulang ko…

isinuko ko lahat kay marky ng gabing iyon, nakailan din kami buong magdamag, hindi ko siya tinigilan…hehe syempre anjan na ang palay e, ano pa bang gagawin ng manok? Hahaha cguro mga 4am na kaming dalawa natigil at natulog na rin… ang sarap ng ngiti ko habang natutulog ako, it’s really heaven, hinding hindi ko makakalimutana lahat ng pangyayari ng araw at gabing yon, isang gabi na punong puno ng sorpresa mula sa mahal ko…
nagising ako ng mga 8 ng umaga, wala na si Marky sa tabi ko, napabalikwas ako ng bangon, hinanap ko siya, hindi ko Makita sa buong bahay ang mhal ko, iniwan na ba niya ko? May nakita akong note sa may study table ko, sult kamay iyon ni Marky agad ko itong binsa:

Cyr,
Goodmorning honey, nauna na pala ako,
Maaga akong nagising around 6am,
Kailangan kong umuwi, may pasok pa kasi mamaya,
Siguro naman mamaya papasok ka na rin?
I’ll be waiting for you sa school ha,
Kailangan kong Makita ang asawa ko =)
I LOVE YOU

P.S.
Ulitin natin yung ginawa natin kagabi ha,
Na-miss ko na agad yun…
I enjoyed every detail and ooopppsss… hehe =)
Tama na, alam kong namumula ka nanaman e…hahaha
Text me pag gising ka na ha, c u later… =) mwah

Napangiti ako pagkatapos kong basahin ang letter ng mahal ko, itinago ko yun sa drawer ng study table ko, alam nya na mamumula nanaman ako e, lalo na ngayon nakuha na niya ako, sigurado akong aasar asarin nanaman ako dun…wahhhhhh… pero ngayon, ang saya ng gising ko, kahit kulang ako sa tulog ok lang at least Masaya na ulit ako, inamoy amoy ko muna yung mga bulaklak na bigay sa akin ni Marky, ang babango at ayun, nasisinagan na sila ng araw, ang gaganda nilang tingnan, dali dali na rin akong bumaba para kumain ng breakfast, naligo na rin ako dahil 10am nga pala ang pasok ko, ngayon papasok na ulit ako, wala ng problema, humarap ako ng salamin, kilala ko na ulet ang taong nasa harapan ako, siya na ulit ang Cyr na kilalang kilala ko walang duda, ang cute cute ko nga e…hahaha nagtext ako kay Marky, sabi ko papunta na ako ng school, magkita na lang kami sa tambayan, alam na niya yun, alam din naman nyang 10 am ang start ng class ko e. pumasok na ako ng school, siguro magpapaturo na lang ako kay Levy ng mga missed lessons ko, mag sosorry din pala ako sa mokong dahil sa pag ebsent kong dalawang araw, alam niya ang buong storya ng drama ko, yun nga lang di ako nakinig sa mga payo niya, kaya mamaya e ihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga sermon nya… nakarating ako ng school around 9:30 am, ayos mahaba haba pa ang oras, pwede pa kaming maglandian ay este tumamabay ng mahal ko. Tinungo ko ang tambayan at sakto, isang nakangiting Marky ang bumungad sa akin, walang ibang tao, kaming dalawa lang, umupo ako sa tabi nya, yung sintas pala ng sapatos ko di pa nakaayos, yumuko ako sandali at inayos ko muna to, nagulat na lang ng biglang BLAG! Si Marky bumagsak sa sahig, at sino naman tong walang hiyang sumapak sa asawa ko? Nagulat ako ng paglingon ko, nakita ko si…




imcyrperez@yahoo.com email me :))

Saturday, October 2, 2010

Mr.29 sa SWIM CLASS 6

Mr.29 sa SWIM CLASS 6

sorry very busy lang talaga ako finals na kase kelangan mag seryoso ako kundi yare ako hehe..

salamat pala :)

kay Marc dahil tinulungan niya ako sa pagsulat ng Mr.29 sa SWIMCLASS 6 :)) salamat lagi mo nalang ako tinutulungan :)) hehe thanks marc!

kay Eban thanks :)
kay Chronodriller email mo po ako para maging friends tayo sa fb :)thanks sa support huh :))
kay kuya dhenxo,mama dalisay..shane josh
kay james wood kuya! msg ulit hehe :) imy
kay half at adik ngarag :) thanks sa support
kay side chit at dongchul :)) thanks po!

kay mr.levi bestfriend ko :) haha eto na yung part 6
kay honey..yiee eto na ulit ako haha mis u po

kay albert :)) landi pavirgin haha? imiss u

eto na po ang mr.29 sa swimclass 6 enjoy










...
until now nalulungkot pa din ako hindi ko naman alam na gagaguhin lang ako ng taong minahal ko ng buong puso, ng taong pinasaya ako at kala ko isang tunay na tao na kailanman hindi ako lolokohin at iiwan
...


kung nasaan ka man sana maging maligaya ka sa piling niya, wag mo sana gawin ang ginawa mo sakin kasi alam ko kung ano ang pakiramdam ng maiwan at masaktan, masakit sobra, parang gusto mo ng mamatay dahil nabigla ka sa mga pangyayare.. sa totoo lang, nung umaga na yon naalala ko pa ang mga ngyare samin nung nauna sayo, iniwan niya din ako ng walang dahilan masakit pero kailangan nating tanggapin..wala na tayong magagawa......


- Dont attach yourself to much to the person you love :)


HAPPY is the person who doesn't show SADNESS over what is LOST but instead show GRATEFULNESS over what is LEFT... - by Boss Levi




_____________________________________________________________________________________________________________




We are just eager to start something we expect to end like a fairytale, but the reality is, it won't end the way we would like it to be...


_____________________________________________________________________________________________________________




Ilang araw din akong nagisip at umiyak....hindi makatulog.. . paulit-ulit pinakikinggan ang kantang lagi niyang kinakanta sakin..
sa mga gabi na lagi kaming magkausap..sa araw na lagi kaming naghaharutan hindi mawawala ang paborito niyang kanta.. . halos dalawang araw na rin akong ganito, nagkukulong sa kwarto ko, nagmumukmok, walang ganang kumaen... sobrang sakit! MY God! why me?! of all people, bakit ako na lang lage? ako na lang ang laging iniiwan, ako na lang ang laging dehado, ano bang nagawa ko at lage na lang ganito?! S**t!

dalawang araw akong hindi pumasok ng school, alam kong mali, pero hindi ko talaga kaya e, hindi ko kayang makita si Marky at sabihin sa kanya ng harapan na ok lang ako at magkunwaring wala akong nalalaman dahil mahahalata naman na hindi, madali niya akong nababasa... siguro nga I'm such a born loser, siguro nung past life ko e masamang tao ako kaya ngayon ko inaani lahat ng karma, at ang masama pa dito sa pag-ibig pa lahat naibuhos.. haist..

kasalukuyan akong nasa malalim na pagiisip ng biglang, tok! tok! tok! Cyrean! si mama kumakatok, dali-dali akong tumayo at nag-ayos ng sarili, habang tinitingnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin, nakadama ako ng awa, naaawa ako sa taong nakikita ko sa harap ng salamin, hindi na siya ang Cyr na kilala ko, na kilala ng nakararami, ang Cyr na napakagiliw at punong puno ng buhay... Iba pala talaga ang nagagawa ng pag-ibig, nakakabaliw, oo masaya pag may minamahal ka at mahal ka rin niya pero sadyang may mga bagay at pangyayari talagang 'inevitable'... haist, ewan, tama na nga muna tong drama ko, haharapin ko muna si mama.

Cyr: Hi ma, anong aten? (sabay halik sa kanang pisngi)
Mama: Anak may problema ka ba? (mababakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala)
Cyr: Ha?! ah, ma wala po, ok na ok po ako, bakit nyo naman po nasabing may problema?
Mama: Eh napansin ko kasi na dalawang araw ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo tapos di ka pa pumapasok.
Cyr: Ma, eh, wala po yun, wag nyo na pong intindihin, medyo masama lang po kasi pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw kaya di ko na pinilit na pumasok, nagpahinga na lang po ako...
Mama: Ah ganun ba anak, ok cge, halika at magpapa check up tayo sa hospital kung ganun, baka mapano ka na nyan?
Cyr: Ma, wag na po, kaya ko pong alagaan ang sarili ko, para saan pa't nag-aral ako ng nursing di ba? ( with matching pilit na smile yan )
Mama: ok cge anak, sabi mo e...ikaw talaga, pinapakaba mo ang mama e, halika nga dito, sabay yakap sakin ng mahigpit ni mama, ang sarap sa pakiramdam, ang init, sa mga sandaling ito, ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ni mama, nakatulong ang mga yakap niya upang kahit papaano e mahimasmasan ang naguguluhan kong pag-iisip, at least alam kong merong tao na walang sawang magmamahal sa akin...
Cyr: Ma, thank you... sabay halik ulet sa kanang pisngi niya...
Mama: O siya sige anak, kung may kailangan ka ha e andito lang ako sa kabilang kwarto o kaya pag nagugutom ka na e bumaba ka na lang at magpahanda ng pagkain kay manang...
Cyr: opo Ma, sabay alis ni mama, pumasok na siya sa kwarto nya, ako naman, naiwang nakatayo sa harap ng pinto, muling nanumbalik ang lungkot sa buo kong pagkatao, nagbabadya nanaman ang mga luha sa mga mata ko...

pumasok ako ng kwarto, maliligo na lang muna siguro ako, baka sa pamamagitan ng malamig na tubig mula sa shower e makalimutan kong lahat ng iniisip ko, kasama ng dumi sa aking katawan, aanurin ng tubig na ito ang lahat ng bumabagabag sa puso't isip ko, na pagkatapos kong maligo e buo na ulet ako, na ako na ulet ang dating Cyr na kilala ko... binuksan ko muna ang radyo bago ako pumasok ng banyo, inilipat ko sa paborito kong station, tamang tama, oras na rin ng paborito kong segment, ito yung oras kung saan ang mga avid callers/listeners e mag uunahan tumawag para magrequest, iinterbyuhin muna sila ng dj off air tapos isasalang sila on air then babati muna sila o kaya naman e magbibigay ng mensahe para sa taong pagaalayan nila ng kanta. nilakasan ko ang volume, sapat na upang marinig ko ito habang ako'y naliligo sa loob ng banyo...

binuksan ko ang shower at itinapat ko muna ang kamay ko sa pumapatak na tubig, malamig, parang di ko ata kakayanin, bahala na, tumayo na lang ako sa ilalim ng shower, pilit na tinitiis ang lamig na dumadaloy sa buo kong katawan, mawawala rin ito, masasanay din ang katawan ko... habang inaantay kong mag adjust sa lamig ang naginginig ko nang katawan, narinig kong binabati na ni Mr. Dj ang kanyang unang caller for the day, "o hello there Mr. 29..." natawa ako ng pagak, lintek nga naman o, sa dinami dami ng code name na gagamitin ng caller na ito e yun pa? tuloy sa pagsasalita si Mr dj "...to all our active listeners, Mr. 29 here is lonely right now, he's missing the one and only person that he truly loves...well, sabi ni Mr. 29, 2 days na daw niyang hindi nakikita itong si love nya and take note, di daw nagpapramdam si love, ni text or tawag wala, ni hindi nga daw niya makita sa school campus e... hmmmm... I wonder what happened?" bigla akong kinabahan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso ko, nawala lahat ng nginig at lamig na nararamdaman ng katawan ko, parang bigla akong naubusan ng lakas...muling nagsalita si Mr. Dj. "to Mr. 29's love one, I hope you're currently listening, before I play his requested song, i'll give him one to two minutes to express his feelings for you... make it short ok, so without further adeu, let's listen to Mr. 29" katahimikan... "ahm, goodafternoon to all listeners..." napahawak ako sa dibdib ko, kilala ko ang boses na yun, kilalang kilala ko... patuloy siyang nagsalita "I know I'm not good at this, in fact, hindi ko alam kung san ako kumuha ng loob para gawin ito, to my one and only love, I hope you're listening, i just want to say that I MISS you and I love you so much that I can't help but to think of you all the time... please, magparamdam ka naman, nababaliw na ko kakaisip sayo... just give me a text, or kahit isang ring lang sa phone ko then mapapanatag na ang loob ko... U don't know...." at biglang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ko ang kantang paulit-ulit at walang sawa kong pinakikinggan, ang kantang nagsilbing saksi ng pangungulila ko sa taong pinakamamahal ko...


I knew it was there
Though I tried to hide it
But the feeling just kept on shining through
Haven't known you that long
So I try to deny it
But the feeling was much too much too strong

Could this be love
Deep down inside
Tearing me apart
I feel it in my heart

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

Why do I feel this way
When I know you have someone
That you're seeing each and every day
Should I play this game
Of just being your friend
When I know that's not where I want it to end

How could this be wrong
When the feeling's so strong
Tearing me apart
I feel it in my heart

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

No I don't want to start no trouble
Between you and I and your lover
But I must tell you what I'm going through
Everytime you walk by I see love in your eye

You're on my mind
Keep thinkin' about your love
I just keep on thinking 'bout you

Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you

tuluyan na akong nanlumo, biglang bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa aking mga mata... lalong gumulo ang pag-iisip ko, si Marky ang narinig kong nagsalita sa radyo, at ang mensaheng iyon, ramdam kong para sa akin iyon... Mahal ako ng taong mahal na mahal ko... sinuntok ko ang pader, di alintana ang sakit na dulot nito sa aking mga kamao, suntok dito suntok duon, tumigil lamang ako kakasuntok ng makita kong umaagos na ang dugo mula sa aking mga kamay... patuloy akong umiyak ng umiyak... kaya ko pa kaya? Lord give me strength... kasabay ng pagtapos ng kantang nirequest ni Marky, natapos din akong maligo... pinatay ko ang radio, tinungo ang tokador at nagbihis, sinuot ko yung paborito kong pambahay na damit, yung green, bagay na bagay sa kulay ko… nag ayos ng konti, at ayun muka na ulet akong tao… nagutom ako, kakain muna siguro ako, tama na muna ang pag-iisip kay Marky… pagbaba ko, hinanap ko agad si manang, “manang, manang…?” hmmmm… asan kaya siya, tinungo ko ang kusina at hayun si manag niluluto ang paborito kong pagkain, woooow! “ o cyr, ipinagbilin sakin ng mama mo na iluto daw kita ng adobo at para ganahan ka naman daw kumaen, matatapos na ako ditto, maupo ka na jan sa mesa ang ako’y maghahain na…” “pupunta ho muna ako ng sala manang, tawagin nyo na lang po ako pag tapos na yang niluluto nyo ha…” “ ok cge…”… tinungo ko ang sala at sakto naming pag-ring ng telepono… sino naman kayang tatawag ng ganitong dis oras na ng gabi… 9:30 PM… patuloy ang pag-ring ng telepono… nakakatulili ang ingay kaya dinampot ko na ang handset.

Cyr: “hello? Hello? Sino po sila?”

Line: ……………………….

walang sumasagot… baka naman prank caller to…

Cyr: hello? Hello? Sumagot naman po kayo please? Sino pong hinahanap nila? ano pong kailangan nyo?....

Nakakaasar muka yatang wala talgang balak sumagot yung nasa kabilang linya a? badtrip!

Cyr: wala po siguro kayong magawa ano, sa iba na lang kayo…

Line: Cyr…

napatda ako sa aking narinig… bumilis nanaman ang kabog ng dibdib ko, ang lakas… hinding hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko kung sino yung nasa kabilang linya… ang boses na karirinig ko lang kanina sa radio… ang boses walang sawa kong hahanap hanapin… nanghihina nanaman ako…

Cyr: M…a…rk……y?

Line: ako nga Cyr…

Katahimikan… isa, dalawa, tatlong minute ang lumipas, walang nagtangkang basagin ang katahimikang nakakabingi…

Line: I miss you… can…. I…. see… you?

Cyr: ……… nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang handset… di ko makapagsalita syet!

Marky: Cyr may problema ba? Please answer me…

Cyr: Ah… wala Marky… wala, ayos lang ako…

Marky: bat di ka na pumapasok? Bat di ka nagtetext? Bat di ka tumatawag? Bakit di ka nagpaparamdam? May nagawa ba akong mali Cyr? Please answer me, nahihirapan ako ng ganito… you don’t know how muck I suffered, not seeing you for these past 2 days is hell… Cyr, hindi ko kayang hindi ka Makita, makausap o makasama man lang… you’re now my life, so please come back… let’s talk…
Nag-unahan nanaman ang mga luha ko sa pagpatak… naaasar ako sa sarili ko… bakit ko nagawang magduda sa taong mahal na mahal ko… ngayon ko masasabing mhal nga ako ni Marky, ramdam ko ang sincerity at paghihirap sa mga katagang binitawan niya…

Marky: Cyr? Please don’t cry… let’s talk…

Kinalma ko muna ang sarili ko, pinahid ang luha at muling nakipag usap kay Marky…

Cyr: Marky, mahal na mahal kita, mahal na mahal….

Marky: talaga? Yun naman pala e, kung ganun pwede bang lumabas ka ng gate nyo?

Cyr: ha? A… e… bakit? Gabi na Marky….

Marky: please?

Cyr: Ah ok cge, teka lang…

Dala dala ang cordless handset, dagli kong tinungo ang gate… pag bukas ko, nanlaki ang mga mata ko sa nasilayan ko, nabitawan ako yung handset….


itutuloy...


email me imcyrperez@yahoo.com thank you all


:))