For the past months nagiisip ako ng ending ng story na ito,
binasa ko muna ang 1st - 7th part para makabuo ako ending and this is how i end it...
Here's a link to read the first parts
enjoy :)
Si Levi, oo si levi ang walang hiyang sinasabi ko na sumuntok sa asawa ko ay ang bestfriend ko!
hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun ang alam ko lang eh walang kasalanan si Marky sa kanya pero bakit niya yun ginawa...
nagdilim ang paningin ko sinuntok ko si levi sa mukha na nagpatumba sakanya
levi - cyr bakit mo gnwa yun? hindi mo ba alam na may nabuntis yan!?
cyr - oo alam ko alam na alam kong hindi niya nabuntis ang PINSAN NIYA!
gulat na gulat si levi sa narinig hindi makapaniwala, nagulat sya sa ginawa niya
cyr - bakit mo ba sya sinuntok agad sana inalam mo muna kung ano ang dahilan hindi yung susugod ka kaagad, tignan mo na ang ngyre kay marky sa susunod kasi iisipin mo muna yung gagawin mo hindi padalosdalos ka.
levi - o cge ginawa ko lang naman to para maprotektahan ka ah dahil bestfriend kita! at alam mo yun na gagawin ko lahat dahil ayoko ng nalulungkot ka
cyr - hays pero tignan mo ngyre kay marky?
tinulungan ni levi at cyr si marky makatayo, pagkatapos ay umalis na si levi...
marky - hayaan mo na sya nagawa lang naman nya yun dahil gusto niya na maging masaya ka ayaw niyang malungkot ka, mahal k lang ng kaibigan mo
cyr - pero...
marky - shhh, wag ka na magsalita ok lang naman ako e mahina lang naman suntok nya sakin POGI padin ako wag ka magalala haha
cyr- loko k tlga hmp kotongan kita e hehe ...
di na muna nagpansinan si levi at cyr pero naging masaya naman si cyr kasama si marky, pasyal dito pasyal doon parang wla ng bukas kung magsaya sila
isang araw hinatid ni marky si cyr sa bahay nila and ayun hindi lang pala hatid kundi ang mahaderang si cyr ay pinatulog nanaman ang asawa niya sa kanilang bahay haha landi talaga ng bruha... well of course alam mo na ang mangyayare...
oo nangyare nga nanuod sila ng The Love of Siam sa room ni cyr kinilig nanaman si cyr dahil crush na crush niya si Tong (mario maurer).
marky- HMMMFFF
cyr - shet gwapo tlga ni tong
marky - hmff padin
cyr - ayyyyy kinikilig*
marky - uwi na nga ko
cyr - HAHA ayieee selos naman yung isa jan
marky - hindi mo ko pinapansin huhuhu
cyr - haha sinasadya ko yun tinitignan ko kung ano gagawin mo haha
marky - hmfff padin bat ka naman bad! huhuhu
cyr - aysus ang arti naman ng babyboy ko haha... kaw tlga kahit sino pa ang lalaki jan sa harap ko maghubad pa sila ikaw lang pipiliin ko!
marky- pramis?
cyr - opo pramis
marky - eh kung si mario maurer nsa harap mo
cyr - syempre give in na ko haha
marky - huhuhu bad k tlga!!!
cyr - hehe joke lang naman babyboy :)
at ayun nagkatitigan nagkatinginan at nagkahaplusan
TOK...TOK...TOK...
may biglang kumatok sa kwarto ni cyr ang kanyang lola pala dumating galing sa probninsya
wrong timing naman para sakanila ni marky e ano ba naman yan malas hayss..
marky 0 anu kaba ok lang yan madami pang tym hehe
cyr - hehe sorry babyboy ko ah jan si lola e maya maya na haha
marky 0 sure sure baby kaw naman hndi naman ako nagmamadali
bumaba muna si cyr at si marky naman ay naiwan sa room niya
mga 11.30 na na ng makaakyat si cyr si marky tulog na pala...
babyboy babyboy gcng na hehe... ay tulog ka na pala ahh
sabay kilit kay marky ... HAHAHAA tama na nakikiliti ako tagal mo kasi e nagtulog tulogan muna ko hehe...
at ......................... ang ngyare
kinabukasan
sabay na kumain si cyr at marky wala palang tao sa kanila si manang lang at silang dalawa.
tinanong ni cyr si manang kung san nagpunta sila mama nya at lola nya ang nasabe nito ay nagpunta pala sila ng Baclaran mamimili daw ng gamit sa kasal ng tita mo
huh! sinong ikakasal manang?
si tita mo daw si tita venice mo ikakasal na pala yun at pinaparush na at eto kaya pala umuwi ang lola mo dahil magpapaksal sila eto tignan mo ang invitation...
Venice & Gilbert's wedding
Oh, kasali pala ako e,.. anu ba to haha
marky - naks naman ganda ganda siguro ng asawa ko sa susuotin nyang gown haha ( bulong ni marky )
cyr - baliw ka tlga hahaha hndi ako mag-gown mag bibikini ako haha joke lang
marky - landi mo din noh noh! ( sabay kiss sa pisngi ni cyr habang nakatalikod si manang)
on that day sinamahan ni marky si cyr magpasukat ng barong na isusuot niya sa kasal ni venice, kasama ang buong pamilya ni cyr, habang nagsusukat si cyr e kinakausap naman si marky ng mama ni cyr at tinatanong kung bakit napakagwapo nya ...
nako tong binatang to napakagwapo naman tlga kundi ka lang kaibgan ng anak ko papaligaw na ko sayo... biro ng nanay ni cyr kay marky, sabay sabi ni cyr "MA!" tama na nga pangungulit mo kay marky
ok lang naman, baet nga ni tita e, sagot ni marky
MAMA - naku Ma? diba kulang pa tayo ng lalaking abay? bakit hindi nalang si marky?
LOLA - ay oo nga no cge itatanong ko kay venice.. venice! ano sa tingin mo sya nalang ilagay natin kapareha ni Candy?
venice - oo nga gwapo pa naman ng batang yan cge isama na natin!
marky - huh! bakit po?
MAMA - ano kaba marky kaibigan ka naman ni cyr e sali ka na sa kasal ng tita niya ok?
marky - ahhmm, cge po! ( sabay ngiti )
at ayun pinasukatan na din si marky ng barong, pumasok na din sya sa fitting room kung saan nandun si cyr, pag pasok na pagpasok pa lang niya kiss agad ang bungad nya kay cyr
mukhang ikakasal na tayo ah hehe kamusta naman ang pogi mong asawa? .. pabirong sabi ni marky
as usual mayabang padin pero mahal ko...sabay yakap kay marky
at ayun nakakuha sila ng blue barong na isusuot nila sa wedding ng tita ni cyr at excited na sila na dalohan ang kasal ...
after ilang days kasalan na ....
at wow bongga nga ang kasalan .... madming bulaklak,red carpet at napakaganda ng palamuti sa Garden Wedding ng tita niya...
....I DO
you may now kiss the bride...
(tumutugtog na ang kampana at ang music na para sa kasal)
natapos na ang pictures,videos at ceremony ng kasal papunta na ng reception pero si cyr at marky ay pumasok sa loob ng simbahan sa tapat ng altar...
marky - babyko :)
cyr- babyboy ko :)
marky - pinapangako ko sa harap ng Papa Jesus, ikaw lang at ikaw lang ang nilalaman ng puso ko kahit umulan man o bumagyo ... mamahalin kita sa hirap at ginhawa
konting katahimikan at naluha si cyr... hindi niya alam ang sasabihin niya pero ...
cyr - mahal na mahal kita marky mahal na mahal... ikaw lang din ang mamahalin ko sa buong buhay ko... i love you
"you may now kiss the bride" ... bride ba? haha
nagulat sila kung sino ang nagsalita si Levi pala...
ang bestfriend niyang si levi ay pumunta din pala sa kasal hindi lang nila alam
levi - marky sorry kung nasuntok kita... mahal ko lang ang bestfriend ko kaya ngwa ko yun ..
marky - ano kaba? wag kang magalala.. hindi ako galit sayo sa katunayan naiintindhan kita...
cyr - ikaw tlga... namiss kita bakla ka!
levi - cra k tlga haha... miss you din bestfriend
at dun nagkabati din ang dalawang bakla este ang dalawang magkaibigan...
natuloy din ang kasal-kasalan ni marky at cyr sa harap ng kanilang bestfriend na si levi
nagpunta sila sa reception ng kasal at dun sila nagsaya,nagparty!
si Cyr naman at si Marky ay pumunta sa balcony, romantic scene ito ...
marky - kung may chance ba na makapunta ako ng canada sasama ka ba?
cyr - canada? bakit ka naman pupunta dun?
marky - tinatanong ko lang naman.. kasi...
cyr - huh? kasi?? bakit aalis kaba?
marky - cyr, oo aalis na kasi kame mga 4 years din ako dun, magmimigrate kami pero babalik naman ako eh 4yrs babalik ako may contact tayo lagi tapos..
at tuluyan ng naiyak si cyr...
marky - wag ka ngang umiyak jan anu kba? dba nagpramis na ko kay Papa Jesus kanina?
cyr - ang layo ng canada e...
marky - malayo man yun pero magmamahalan tayong dalawa wag kang magalala tatawagan kita lagi...
cyr - hayyss
after 4 years graduate na si Cyr at Levi sa kursong BSN , nakapagboard exam na sila at guess what? sila ngayon ay RN na (registered nurse)
... si cyr ay naghahanap na ngayon ng trabaho sa isang ospital sa manila, kasama niya si levi...
cyr - ilang taon na din pala nung umalis si marky, tagal din nun, pero nakakainis 2months na syang hndi nagpaparamdam... hayss..
levi - ano kaba? baka busy lang yung tao kaw naman
cyr - ewan ko lang hayss...
habang naglalakad si levi at cyr ay biglang napahinto si levi at sinagot ang tawag sa fone niya...
levi - cyr halika samahan mo ko dali!
cyr - saan ba? kala ko ba maghahanap tayo work?
levi -basta halika na! emergency to
dali dali silang pumunta sa Pasay swimming pool kung saan nagsimula ang lahat...
naalala ni cyr nung unang beses sila magkita ni marky ... ang mga kagagahan niya..haha
cyr - bat mo ba ko dinala dito?
levi - wag kang aalis jan babalik ako..
cyr - teka!!!
at tumakbo na papalayo si levi...
si cyr ay naiwan sa tapat ng entrance ng pool, pumasok sya sa loob at nagikot, pumunta sya sa malapit sa tubig at nung hinahawakan niya ang tubig nakita niya ang isang muka na reflection sa pool...
cyr - MARKY?
pagtalikod ni cyr bigla syang nadulas... at nahulog sa pool...
marky - CYR!
tumalon din si marky sa pool... at
cyr - GAGO ka hindi mo ko tinatawagan at tntxt ng 2months huhuhu
marky - ayieee tatampo naman agad sympre naghanda ako sa paguwi dito nagpamiss din haha at kasabwat ko ang bestfriend mo..
sabay labas ni levi sa pinto... haha cyr
HAPPY 5th anniversary baby ko!!!
bumungad kay cyr ang tarpaulin...
5yeasrs na tayo mahal ko LIMANG TAON na tayo ... at dahil jan mahal na mahal kita talaga... tiniis ko ang lungkot sa canada at gnayon bumalik na ko aking akin ka!
... oo talagang sayo lang ako babyboy ko ...
at jan nagtatapos ang story ni CYR at MARKY
pasenxa na kung pinatagal ko pa haha.. naging busy lang po talga sa school at sa love ko :))
thank you for reading my story sa pinka umpisa at ngayon nagtapos na i love u guys...
email me : I=imcyrperez@yahoo.com
THANK YOU BIOUTLOUD :))) more POWER